-- Advertisements --

Inirerekomenda ng mga government’s vaccine expert panel ang isang heterologous o ibang tatak ng bakuna bilang pangalawang booster para sa mga karapat-dapat na tumanggap nito.

Ipinagkaloob ng Food and Drug Administration noong nakaraang linggo ang pag-amyenda sa COVID-19 vaccines’ emergency use authorization upang isama ang pang-apat na jab para sa mga matatanda, immunocompromised, at mga manggagawang pangkalusugan.

Ayon kay VEP chairperson Dr. Nina Gloriani na kung ano ang available na bakuna sa LGU o vaccination sites ay yun na ang ibibigay sa publiko.

Dagdag pa nito na nagbibigay ng mas magandang proteksiyon ang heterologous booster.

Kasunod ng pag-apruba ng FDA, ang Health Technology Assessment Council ay magbibigay ng huling rekomendasyon nito bago ang National Vaccination Operations Center ay makapag-draft ng mga alituntunin nito at maipatupad ang mga ito, ayon sa Department of Health.