CENTRAL MINDANAO-Patay na ng matagpuan ang magkakaibigang negosyante sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang mga nasawi na sina Khalil Mastura Utto, 18 anyos at Esmael Silongan, 24 anyos,mga binata at residente ng bayan ng Sultan Kudarat Maguindanao.
Ayon sa pahayag ng mga kamag-anak ng mga biktima na itoy pilit na isinakay sa isang kotse sa bahagi ng delta bridge.
Patay na ang magkaibigan nang matagpuan sa baywalk ng Barangay Kalanganan 2 Cotabato City.
Binalot ng masking tape ang mukha ng dalawa at nakatali ang mga kamay na nagtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.
Ang mga nasawi ay nagtitinda ng ibat-ibang uri ng cellphone sa Maguindanao at Cotabato City.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa pamumuno ni Colonel Rommel Javier sa pamamaslang sa mga biktima.