-- Advertisements --
Umani ng iba’t-ibang reaksyon ang total ban sa US ng social media platform na TIKTOK.
Sa kani-kanilang social media ay nagpost ang ilang mga kilalang TikTok stars sa US ukol sa pagbabawal.
Nagulat ang beauty influencer na si James Charles ukol sa nasabing pagbabawal ng TikTok.
Sinabi nito na dahil sa pangyayari ay kaniyang susuportahan na si US President elect Donald Trump.
Idinaan na lamang ni TikTok superstar Charli D’Amelio sa biro ang nasabing pangyayari kung saan kinumusta na lamang ang reels video mula sa ibang mga social media platform.
Habang tila pabor naman sa ban si social media star Alix Earle dahil sa hindi ito apektado.
Una ng sinabi ni Trump na bibigyan niya ng 90 araw para pag-aralan ang ban at muling maibalik ito.