-- Advertisements --

Umani ng magkakahalong reaksyon ang naging pahayag ni US President Donald Trump na dapat tanggapin ng Egypt at Jordan ang mga Palestino na nasa Gaza Strip.

Ayon sa Palestinian presidency na hindi nila tatanggapin ang plano sa pagpapaalis mula sa Gaza ang mga displaced Palestinians.

Ang nasabing hakbang aniya ay isang paglabag sa red lines na kanilang ibinabala noon pa.

Hinikayat na lamang ng Palestinian presidency si Trump na ituloy ang kaniyang ginagawang pagsuporta sa ceasefire at ng makumpleto ang pag-alis ng mga sundalo ng Israel sa Gaza.

Maging si Arab League spokesperson Gamal Roshdy, ay hindi sila pabor sa panukala ni Trump dahil ang pagtanggal sa Palestino sa Gaza ay tila nawawalan na ng karapatan ang mga ito.

Maging ang Hamas ay hindi sang-ayon sa pahayag na ito ni Trump kung saan, sinabi ni political bureau member Basem Naim na hindi dapat balewalahin ang pagkasawi at pagkasira ng Gaza sa loob ng mahigit na 15 buwan na labanan.

Tanging ang pumabor lamang sa panukala ni Trump ay Bezalel Smotrich ang far-right leaning finance minister ng Israel, kung saan ito umano ay isang magandang idea.