CAUAYAN CITY – Pinagbabawalan ang mga manggagawa sa Daegu City, South Korea na magharap harap na kumain bilang pag-iingat sa pagkalat ng Coronavirus Disease o (COVID 19).
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mark Anthony Dayag, OFW sa Daegu City, South Korea at tubong Isabela, nangangamba sila sa mabilis na pagkalat ng virus sa nasabing lugar .
Ito ay makaraang umabot na sa 5,000 na ang kinapitan ng COVID at mahigit 30 na ang namatay sa Daegu City.
Ang ipinagsasalamat na lamang nilang mga OFW at iba pang mga manggagawa ay suportado sila ng kanilang employer sa ngayon.
Lagi anya silang binibigyan ng mask at sanitizer.
Pinapaalalahanan din silang laging maghugas ng kamay at maligo araw-araw.
Kapag kumakain aniya silang mga manggagawa ay hindi maaaring magharap harap upang makaiwas dindaw sa virus.
Samantala, sinabi pa ni Dayag na hindi sila pinapabayaan ng embahada ng Pilipinas sa South Korea at nagbigay sila ng numero na maari nilang tawagan sakaling mayroong OFW na magpositibo ng COVID-19 upang sila ay matulungan.