-- Advertisements --

Kaliwa’t-kanang kilos protesta ang isinagawa ng anti-US Donald Trump sa iba’t-ibang bahagi ng US.

Ang “Hands Off” protest planners ay isinagawa sa 1,200 na lokasyon kabilang ang lahat ng 50 states sa US.

Ilang libong katao na ang nagtungo sa kalsada ng Boston, Chicago, Los Angeles, New York at Washington DC para kontrahin ang mga programa ni Trump.

Ilan sa mga ikinagagalit ng mga protesters ay ang programa ni Trump mula social hanggang economic issues.

Isinagawa ang kilos protesta ilang araw bago ang pagpataw ni Trump ng mga taripa sa iba’t-ibang mga bansa.