-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Hindi sukat akalain ni Elma Rivera, 52-anyos na magkikita sila kaagad ng kanyang kapatid na 40 taong hindi niya nakita, ilang minuto lamang matapos ang pAgdulog niya sa Bombo Radyo.

Napag-alamang isang concerned citizen ang naghatid kay Elma Rivera, miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender o LGBTQ community matapos itong makitang pagala-gala sa kanilang lugar kahapon bitbit ang dalawang bag nang hindi na mahanap sa nasabing lugar ang kanyang pamilya.

Nang kaagad itong in-interview sa Facebook live sa programang Bombo Hanay Bigtime, emosyunal nitong isinasalaysay na lumuwas siya ng Maynila sa muraang edad at nagtrabaho sa paktorya at kahapon pa ang unang uwi niya sa Butuan City.

Ilang minuto lang ay kaagad namang dumating ang nakakatandang kapatid nitong si Alicia matapos na tinimbrehan ng kanilang kapitbahay na naghahanap ito sa kanya kung kayat, emosyunal ang kanilang unang pagkikita.