-- Advertisements --
Ph locator capiz roxas
Capiz

ROXAS CITY – Patay ang magkakapatid na laborers matapos ma-trap sa isang water tank sa Maindang National High School sa Barangay Maindang, bayan ng Cuartero, Capiz.

Kinilala ang mga biktima na sina Dodong Vargas, Kano Vargas at Jason Vargas, pawang residente ng Barangay Majanlud, Sapian, Capiz.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Cuartero Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) head Ronald Guillermo, inihayag nito na posibleng na-suffocate ang mga biktima dahil sa matinding amoy ng kemikal sa naturang water tank.

Nabatid na inutusan ang mga biktima ng kanilang foreman na mag-clearing sa nabanggit na paaralan ngunit hindi na pala kabilang ang water tank sa kanilang lilinisan.

Sa kabila nito ay binuksan ng mga biktima ang water tank, kung saan pumasok ang mga ito at na-trap ng halos isang oras hanggang sa binawian na ng buhay sa loob.

Nabatid na may isa pa sanang kasamahan ang tatlong laborers ngunit hindi pumasok sa water tank dahil sa hindi makayanang masangsang na amoy.