CAUAYAN CITY- Wala pang malinaw na dahilan kung bakit nagkaroonng magkakasunod na sunog sa Taiwan.
Sa umaga ay nasunog ang bodega ng Garifor, isang supermarket sa may Taoyen.
Nagkaroon din ng malaking sunog sa power plant ng Sinchiu na nag-iwan ng malaking pinsala ngunit walang nasaktan o nasawi.
Sa dakong hapon ay nasunog ang warehouse ng isang pamantasan sa Taiwan .
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Gina Lin na lumabas sa pagsisiyasat na dahil sa instability ng daloy ng koryente ay nagkaroon ng problema sa mga circuit breaker.
Noong unang linggo ng Marso ay naranasan ang magkakasunod na blackout sa Taiwan.
Ayon kay Lin, inaasahan nila ang kakulangan ng elektrisidad ngayong taon dahil hindi sinang-ayunan ang panukala na dagdagan ng isa ang tatlo nang nuclear power plant sa Taiwan.
Gumagamit na rin ang Taiwan ng mga renewable energy tulad ng solar, windmills at malalaking turbines ngunit kulang ang nailalabas na capacity dahil kulang din ang mga energy storage facility.
May mga itinatayo pang industriya kaya posibleng magkaroon ng kakulangan ng koryente kung hindi ito mahanapan ng solusyon.