Nagpapatuloy ngayong araw ang mga isinasagawang road reblocking sa National Capital Region na sinimulan kahapon ( September 6) at matatapos sa September 9 ng taong ito.
Ayon sa Department of Public Works and Highways, sinarhan nila ang ilang kalye sa Quezon City at Caloocan City kahapon mula alas 11 ng gabi at magtatapos hanggang alas 5 ng madaling araw sa September 9.
Paliwanag ng Metropolitan Manila Development Authority, ang hakbang na ito ay upang maging maayos at ligtas ang kalsadang dinadaanan ng mga motorista araw-araw.
Narito naman ang listahan ng mga sinarang daanan;
- EDSA southbound Fernando Poe Jr. (FPJ) Avenue to Lanutan , Quezon City
- EDSA southbound after West Avenue to after MRT North Avenue Station Quezon City
- EDSA northbound Misamis St. to Corregidor St. Quezon City
- EDSA northbound Quezon Avenue to Philam footbridge , Quezon City
- EDSA southbound Bansalangin St. to West Avenue Quezon City
- Cloverleaf EDSA to A. Bonifacio Quezon City
- Cloverleaf A. Bonifacio to EDSA , Quezon City
- Gen. San Miguel eastbound between Bisig ng Kabataan to A. Mabini St. , Caloocan City
- EDSA southbound between EDSA Monumento Circle and Benin St. ,Caloocan City
Sa araw naman ng Lunes sa susunod na linggo ay maaari nang daanan ang mga nabanggit na kalsada.
Maaari namang dumaan ang mga motorista sa mga alternatibong ruta habang hindi pa ito tuluyang nabubuksan.