-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Kasong alarms and scandal ang kakaharapin ng magkalaguyo na kapwa empliyado ng isang pribadong kumpanya matapos na maaktuhang nagtatalik sa loob ng isang Passenger Van sa Centro 2, Mallig, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Joel Bumanglag, hepe ng Mallig Police Station, sinabi niya na nagsasagawa ng intelligence monitoring ang mga kasapi ng Mallig Police Station ng maaktuhan ang magkalaguyo na nagtatalik sa loob ng passenger van na pag-aari ng isang Nitcha Rodolfo Jr.

Una rito ay isang personalidad ang nakakita sa mga sangkot na agad namang nagsumbong sa mga nakasibilyang pulis na nagsasagawa ng intelligence monitoring sa naturang barangay.

Aniya, ang mga sangkot ay dayuhan lamang at maaaring doon na lamang inabot ng pangangailangan.

Agad naman aniyang nagbihis ang mga ito nang makita na may mga tao na sa labas ng sasakyan.

Tinted naman aniya ang bintana ng van subalit ang harapan nito o wind shield ay hindi.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang magkalaguyo para sa kaukulang dokumentasiyon at disposisyon na kapwa mahaharap sa kasong alarm and scandal.