-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- nahaharap sa kasong adultery ang magkalaguyo matapos na mahuli sa akto na nasa loob ng hotel sa Santiago City.

Ang mga ipinaaresto ay sina Eden (di tunay na pangalan) 43 anyos, isang negosyante at Ador (tunay na pangalan) 33 anyos, isang photographer kapwa residente ng nasabing lunsod.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Station 1 ng Santiago City Police Office ang dalawa ay kumain muna bago nag-check-in sa isang hotel.

Lingid sa kaalaman ng dalawang suspek ay nasundan sila ng kamag-anak ng legal na asawa ni Eden

Nang maaktuhang nasa loob ng hotel ang magkalaguyo ay doon na ipinaaresto.

Nakakulong na sa lock up cell ng Station 1 ang magkalaguyo at inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa kanila.