-- Advertisements --
DAVAO CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng PNP Regional Crime Laboratory ang higit P1-milyong halaga ng iligal na droga na narekober mula sa magkapatid na nahuli sa isinagawang buy bust operation.
Nahuli ng mga tauhan ng Buhangin Police Station ang mga suspek sa Number 301 Sampaguita Street, Km-5, Buhangin District, lungsod ng Davao.
Nakilala ang mga ito na sina Ricky Bustamante, 40, electrician; at Miguelito Bustamante, 37, at kapwa residente sa nasabing lugar.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 18 pakete ng ipinagbabawal na gamot na tumitimbang ng humigit-kumulang 90 gramo at may street market value na higit P1-milyon.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002 ang magkapatid.