ILOILO CITY – Makaraan ang halos isang dekadang alitan, muling magsasanib-pwersa ang dalawang magkapatid mula sa kilalang political clan sa lalawigan ng Guimaras.
Ito ay sina dating Congressman JC Rahman Nava at dating Governor Felipe Hilan Nava.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Rahman, kinumpirma nito ang kanyang pagtakbo sa pagka-gobernador.
Kasama nito sa kanyang line-up ang nakababatang kapatid na Felipe Nava na tatakbo naman sa pagka-board member.
Matandaan na mulang noong 2013, matapos nagsimula ang kanilang alitan at naghiwalay sila ng partido, dalawang beses na natalo sa pagka-gobernador si Felipe kabilang na noong 2016 at natalo rin ito sa pagka-alkalde noong 2019.
Napag-alaman na nangyari ang kanilang reconciliation matapos nagpositibo sa COVID-19 SI Felipe at na-quarantine ang buo nitong pamilya kung saan hindi nag-atubili ang dating kongresista na tulungan ang kapatid.