-- Advertisements --

LA UNION – Aabot sa 474 na mag-aaral ang nagtapos ng Alternative Learning System (ALS) sa Bauang North Central Elementary School sa bayan ng Bauang, La Union.

Ayon kay Dr. Joselito Pascua, Education Program Specialist 2 ng ALS ng Department of Education La Union Division, mula sa nasabing bilang 459 ang Junior High School habang 15 ang sa Elementarya.

Kabilang din sa mga nagtapos ang magkapatid na sina Erlinda Catbagan, 64, Brgy. Kagawad at residente ng Brgy. Saracat sa bayan ng San Juan at kapatid nito na si Edna Corpuz, 58, isa rin Brgy. Kagawad residente ng Barangay Nagsabaran sa nabanggit na bayan.

Ayon sa magkapatid, hindi hadlang ang pera at edad ng mga ito upang makapag-aral.

Maliban sa magkapatid, kabilang din si Alponzo Caedo, 63 na taga Brgy. Linapew sa bayan ng Tubao na high school lang ang natapos dahil sa hirap sa buhay ngunit sa tulong ng ALS ay nakapagtapos ito.

Sa ngayon, nagtuturo na ito ng livelihood sa kanilang barangay.