-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Bumuhos ang mga nakiramay sa libing ng magkapatid na brutal na pinatay sa loob ng kanilang tahanan sa Purok San Isidro Barangay Bagontapay M’lang Cotabato.

Nag-iyakan sa sobrang awa ang mga nakilibing sa magkapatid na Crizzle Gwyn at Crizule Louis Maguad.

Ilang mga nitizen ang nagkomento at humiling sa gobyerno na ibalik ang parusang kamatayan kung saan dapat umanong bitayin ang mga suspek sa sinapit ng mga biktima.

Nagmakaawa pamilya Maguad sa mga magulang ng mga suspek na tulungan sila sa pagkamit ng hustisya para sa kanilang mga anak.

Matatandaan na brutal na pinatay ang magkapatid na minartilyo, pinalo ng baseball bat ang kanilang ulo at pinagsasaksak ng mahigit dalawampu,

Silos, galit at inggit ang nagtulak sa ampon na suspek at kasama nito para patayin ang mga biktima.