-- Advertisements --

Nasa kustodiya na ng Senate Sergeant-at-Arms ang Pharmally executives na sina Mohit at Twinkle Dargani.

Ang dalawa ay naaresto matapos na magtago sa lungsod ng Davao.

Magugunitang na-contempt ng senado ang magkapatid na Dargani dahil sa hindi nila pagsumite ng mga kailangan na dokumento.

Naglabas na rin ng arrest order ang Office of Sergeant at-Arms laban kay dating budget Undersecretary Christopher Lloyd Lao.

Nauna rito iniimbestigahan ng Senate blue ribbon committee ang Pharmally Pharmaceutical Corp. ang PS-DBM sa bilyong halaga ng mga medical supplies ng gobyerno sa paglaban sa COVID-19 pandemic.