-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Patay ang dalawang magsasaka matapos na paulanan ng bala ng tinatayang 15 hindi pa nakikilalang mga suspek sa Brgy. Bislig, Gandara Samar.

Kinilala ang mga biktima na sina Elex Magbutay, 39 taong gulang at kapatid nitong si Jessie Magbutay, 43 taong gulang at parehong mga residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Pol. CapT. Ruel Cantillas, OIC, Chief ng Gandara Municipal Police Station, ayon sa kanilang imbestigasyon sakay ang mga biktima sa kanilang motorbanca papunta sa Brgy. Elena ng Gandara, nang bigla na lamang silang paulanan ng bala ng mga suspek.

Dead on the spot ang dalawang biktima samantala nakatakbo naman sa ligtas na lugar ang isang menor de edad na kasama ng mga ito.

Sa ngayon ay patuloy pang tinutukoy ng mga otoridad ang motibo sa krimen at ang mga suspek na nasa likod nito.