-- Advertisements --

Pumirma na sa United City Football Club (UCFC) ang magkapatid na si Manny at Mike Ott.

Dahil dito ay makakasama ng magkapatid na Filipino-German midfielder ang kanilang mga players na dati nilang nakasama sa dating koponan na Ceres-Negros.

Mula kasi nagbago ng management ng Ceres-Negros Football Club ay nagpalit na ito ng pangalan sa UCFC.

Sinabi ni UCFC co-founder Eric Gottschalk , na mayroong dalawa o mahigit pang manlalaro mula sa Ceres-Negros ang kanilang kinuha.

Pinuri nito ang galing ng magkapatid kaya hindi na sila nagdalawang isip na kunin ang mga ito.

Dagdag pa nito na patuloy pa rin silang naghahanap ng mga manlalaro para isabak sa AFC Cup.

Taong 2010 ng naging miyembro ng Ceres-Negros ang 28-anyos na si Manny habang ang kapatid nito ay napasali sa Azkals noong 2016.