-- Advertisements --

ROXAS CITY – Hindi na naisalbang buhay ang magkapatid na menor de edad matapos malunod sa ilog sa Barangay Matagnop, Dao, Capiz.

Ang mga biktima ay nagkaka-edad ng 15 taong gulang na lalaki at 10 taong gulang naman ang nakababata niyang kapatid na babae.

Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo Roxas kay Angeli Paro, tiyahin ng mga biktima, sinasabing magkasama ang mga ito na naliligo sa nasabing ilog, ngunit kalaunan ay narinig nalang ng mga ito na humihingi na ng saklolo ang tatlong menor de edad.

Nagawang maisalba ang isa, ngunit tuluyan ng nalunod ang magkapatid.

Sinabi din ng tiyahin na wala namang okasyon ngayong araw ng Linggo, at plano lang nilang magkakapamilya kabilang na ang mga magulang ng mga biktima na papunta na rin sa nasabing ilog ng mangyari ang aksidente, upang maligo.

Ginawa pang salbahin ang buhay ng mga biktima sa pamamagitan ng CPR, ngunit idineklarang patay ng doktor ng idinala ang mga ito sa ospital.