-- Advertisements --
Patay ang magkapatid na menor-de-edad matapos matupok ng apoy ang kanilang bahay sa Tondo, Manila.
Ang magkapatid na edad siyam at apat na taong gulang ay naiwan sa kanilang bahay ng maganap ang sunog dakong 4:24 ng hapon sa Barangay 155.
Mabilis na kumalat ang apoy at nakontrol lamang ito ng halos isang oras.
Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.