LAOAG CITY – Patay ang isang construction worker sa nangyaring disgrasya a bahagi ng Barangay Bulbulala, Vintar, Ilocos Norte.
Kinilala ni Major Joseph Baltazar, ang chief of police sa bayan ng Vintar sa lalawigan ang biktima na si Allan Juan y Rosario, 16, construction worker, may live-in partner at residente rin sa nasabing barangay.
Sa eksklusibong interview ng Bombo Radyo Laoag kay Baltazar, base sa kanilang imbestigasyon, nagkarerahan ang biktima at ang kapatid nito na 17-anyos gamit ang kani-kanilang motorsiklo.
Subalit nawalan umano ng kontrol sa manibela si Juan na nagresulta ng kanyang pagka-slide kung saan tumama ang kanyang mukha sa sementadong kalsada.
Dinala ang biktima sa ospital pero namatay habang ginagamot.
Samantala, sinabi ni Baltazar na kakausapin nila ang mga magulang ng magkapatid dahil may responsibilidad sila sa nangyari sapagkat pawang menor de edad ang mga ito at bawal pa silang magmaneho ng motorsiklo.