-- Advertisements --

Nananatili pa rin sa bansang Indonesia ang magkapatid na sina dating Bamban Mayor Alice Guo at Wesley Guo base sa kumpirmasyon ng counterpart ng Bureau of Immigration sa Indonesia.

Base din sa tracking ng counterpart ng BI, hindi din aniya nagtangka ang dating alkalde na lumipat sa ibang bansa ayon kay Immigration spokesperson Dana Sandoval.

Gayundin ang pinakahuling impormasyon ng BI sa kinaroroonan ni Wesley Guo ay sa Indonesia at wala pang impormasyon kung ito ay lumipat sa ibang bansa kayat inaantay din ng ahensiya ang kumpirmasyon ng kanilang counterparts sa Indonesia hinggil updates sa biyahe ni Wesley Guo.

Una na ngang inilagay sa Immigration Lookout Bulletin ang pangalan nina Alice at Wesley Guo matapos ang pagkakadawit ng mga ito sa ilegal na aktibidad ng POGO.