-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Kaagad na naaresto ang suspek na pumasok sa isang bahay at walang habas na nanaksak kung saan dalawang menor de-edad ang patay at limang iba pa ang sugatan sa La Libertad, Negros Oriental.

Dakong alas-6:00 kahapon ng umaga nang pinasok ng suspek na si Joan Isidro alyas Badin ng Sitio Tangwan, Brgy. Pacuan, La Libertad ang bahay ng mga biktima sa Sitio Tubod sa parehong barangay at bigla na lamang intong nanaksak gamit ang kutsilyo.

Patay sa insidente ang 8-anyos na si Jillian at 2-anyos na si King James.

Habang sugatan naman ang lolo na si Cesar Potestas, 65; Jona Jane Elarcosa, 10; Geraldine Elarcosa, 12; Jenery Elarcosa, 14, at Elsa Potestas, 60.

Kaagad namang nahuli ang suspek nang rumesponde ang mg tauhan ng kalapit na army detachment.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.