-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Patay ang dalawang magkapatid samantala isa naman ang sugatan mula sa nangyaring shooting incident sa Barangay Mabini, Ormoc City.

Kinilala ang mga namatay na sina Rizalina Cañete, 29 anyos at Redford Judilla, 31 anyos, isang security guard parehong nakatira sa naturang lugar.

Samantala patuloy naman na nagpapagaling ngayon sa hospital ang biktimang si Ma. Theressa Teves, 37 anyos, isang cook.

Ayon kay PLt Joseph Inay, Station Commander ng Ormoc City Police Station, na magkakapatid ang naturang mga biktima.

Batay naman sa kanilang paunang pagsisiyasat, na naghahanda ng lulutuing manok ang mga biktima nang biglang dumating ang hindi nakilalang suspek at pinagbabaril ang mga ito.

Nakapagtamo ang mga biktima ng tama ng bala sa iba’t-ibang parte nang katawan na nagresulta sa agarang pagkakamatay ni Rizalina samantala sa hospital na nalagutan ng hininga ang security guard.

Sa ngayon ay patuloy pa ang isinasagaang imbestigasyon ng mga kapulisan ang naging motibo at sino ang nasa likod sa naturang krimen.