-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Patay ang magkapatid habang sugatan naman ang mag-ama matapos na magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa bayan ng T’boli South Cotabato.

Ito ang kinumpirma ni Police SSgt. Ryan Calderon, Police Investigator ng Tboli PNP sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Calderon, nangyari ang aksidente sa Purok Mangga, Purok Edwards, T’boli South Cotabato.

Kinilala ang magkapatid na nasawi na sina Jonald at Fidel Awed, na kapwa lulan ng isang motorsiklo nang mangyari ang aksidente.

Habang, ang mag-ama, na sakay din ng nakasalpukang motor, na nagtamo ng mga sugat sa pangyayari, ay kinilala na sina Jemuel at Sharah Pascua.

Dagdag pa ni Calderon, mabilis ang takbo ng dalawang motorsiklo kaya’t nangyari ang aksidente na ikinamatay ng magkapatid.

Agad naman na nakapagresponde ang mga otoridad ngunit dead on arrival na sa ospital ang magkapatid na Awed.

Sa ngayon, nagpapagaling naman ang mag-amang Pascua matapos magtamo ng mga sugat sa insidente.