-- Advertisements --

ROXAS CITY – Patay ang magkapatid matapos malunod sa ilog sa Barangay Poblacion Tabuc, Maayon Capiz.

Kinilala ang mga biktima na sina Alyas Joy, walong taong gulang at Juana, 10 taong gulang, mga residente ng Barangay Agloway, Panitan, Capiz.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nasa gilid ng ilog ang magkapatid at naglalaro.

Hindi namalayan ng kanilang lola na pumunta sa malalim na bahagi ng ilog ang magkapatid at aksidenteng nalunod.

Kaagad sumaklolo ang mga tao sa lola ng mga biktima na humingi ng tulong kung saan kaagad na dinala sa ospital ang magkapatid.

Ngunit sa kasamaang palad sila ang binawian ng buhay.

Patuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng pulisya sa insedente.