-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Nagluluksa ngayon ang pamilya ng dalawang bata na nalunod sa ilog sa Kidapawan City.
Nakilala ang mga biktima na sina Hanz Szedriane Greg Villaver, 13 anyos at Angelica Villaver, 11,mga residente ng Barangay New Bohol Kidapawan City.
Ayon sa tiyuhin ng mga biktima na si Jay Villaver na naligo ang magkapatid sa ilog kasama ang kanilang mga barkada.
Unang nalunod ang nakakatandang kapatid na lalaki at ililigtas sana ng kanyang kapatid na babae pero maging siya ay nalunod rin.
Sumaklolo naman ang mga residente sa lugar at dinala ang mga biktima sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay.
Nagpaalala naman si Kidapawan City Mayor Atty Pao Evangelista sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak para iwas disgrasya.