-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang magkapatid sa pamamaril dakong alas 10:05 nitong gabi ng Huwebes sa Cotabato City.

Nakilalala ang mga biktima na sina Al-Fahad Mahamod,19 anyos,may asawa at kapatid nya na si Zuharto Mahamod,17,estudyante at mga residente ng Barangay Badak Datu Odin Sinsuat Maguindanao.

Ayon sa ulat ng Cotabato City PNP na nakaupo lamang ang magkapatid sa nakaparada nilang motorsiklo sa Sinsuat Avenue Malibacao Street Barangay Rosary Heights 13 ng lungsod.

Bigla umanong may sasakyan na huminto at unang pinagbabaril si Al-Fahad gamit ang kalibre.45 na pistola.

Nakatakbo pa si Zuharto ngunit hinabol ng mga suspek at pinagbabaril.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng town proper.

Naisugod pa ng mga nagrespondeng pulis ang mga biktima sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ngunit hindi na ito umabot ng buhay na kapwa nagtamo ng tama ng bala sa kanilang ulo.

Alitan sa pamilya o rido ang natatanaw na motibo ng mga otoridad sa pamamaril patay sa magkapatid na patuloy nilang iniimbestigahan.