-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa bayan ng Bunawan, Agusan del Sur upang makilala ang mga responsable at matumbok ang motibo ng pagbaril-patay sa pinaghihinalaang magkarelasyon habang sila’y naglalakad dakong alas-2:20 nitong nakalipas na hapon sa Stone Island, Brgy. Bunawan Brook, ng naturang bayan.

Nakilala ang mga biktima na sinma Marlon Taguic Tives, 48-anyos, residente ng Sta. Teresa, Buhangin, Davao City, at Amalia Aringay Curtina, 31-anyos, taga-Poblacion 1, Santigao, Agusan del Norte.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bigla na lang nilapitan ang mga biktima ng di kilalang mga suspek sabay baril sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan sanhi ng agaran nilang kamatayan.