KALIBO, Aklan—Nahaharap sa kaukulang kaso ang magkasintahan matapos na lumabag sa liquor ban na ipinapatupad sa ngayon sa kasagsagan ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.
Ayon kay P/Lt.Col. Dainis Amuguis, Acting Chief of Police ng Malay Municipal Police Station na ang dalawa ay nagmamay-ari ng isang bar and restaurant sa isla ng Boracay sa bayan ng Malay, Aklan.
Aniya, nabigo ang mga ito na magpakita ng Certificate of Exemption mula sa Commission on Elections o Comelec kung kaya’t kaagad silang inaresto ng pulisya.
Nauna nang nagbabala ang mga awtoridad sa nasabing magkasintahan ngunit isinantabi nila ito at nagpatuloy sa kanilang negosyo.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ng Malay PNP Station ang mga akusado para sa dokumentasyon at karampatang disposisyon.