BUTUAN CITY – Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide ang driver sa ini-impound na trailer truck matapos makabundol ng motorsiklo nitong nakalipas na gabi sa may Km. 15, Purok 1, Brgy. Mabuhay, Sison, Surigao del Norte.
Nakilala ang mga biktimang sina John Mark Caliwan, 28, contact tracer pati ang backrider nitong si Jemart Escabal, staff ng sangguniang kabataan o SK provincial federation, parehong residente ng Brgy. Cawilan sa bayan ng Taganaan at ang kasintahan nitong si Jenny Mapinhag, 25, dalaga, na taga-Brgy. Macalaya, sa bayan naman ng Placer parehong bahagi ng naturang lalawigan.
Basi sa imbestigasyon ng Sison Municipal Police Station, ang mga biktimang ay mula sa fraternity party sa Cagbantoy Beach na papunta sanang Surigao City sakay ng kulay itim na Honda XRM motorcycle nang mag-overtake ito sa ibang motorsiklo.
Dito na nakasalubong ang Hino trailer truck na minamaneho ni Peter Aniscal Cahulogan, 46, na taga-Taganaan hanggang sa mangyari ang head-on-collision.