-- Advertisements --

ROXAS CITY – Hindi hadlang ang ipinatutupad na General Community Quarantine sa lalawigan ng Capiz para matuloy ang pinakaaasam na kasal ng magkasintahan.

Nangyari ang kasalan sa border control checkpoint sa bayan ng Tapaz, Capiz, kung saan mismo si Mayor Roberto Palomar ang nagkasal sa magkasintahan na sina Brian Garino, kasapi ng Philippine Army at residente ng bayan ng Jamindan at Elyn Fuyonan.

Sa kagustuhan ni Garino na pakasalan si Fuyonan ay hindi na nagdalawang isip pa ang groom na gawin ang kanilang pag-iisang dibdib sa border checkpoint, dahil hindi pinahintulutang makapasok si Garino dahil galing ito sa bayan ng Dingle, Iloilo.

Naging saksi sa pag-iisang dibdib ng dalawa ang alkalde na nagbigay rin ng payo sa bagong kasal at ilang mga frontliners.