-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Nakitang patay sa magkahiwalay na lugar ang pinaniniwalaang magkasintahan sa Calbayog City sa Samar.

Unang nakita ang wala nang buhay na si Jade Andrei Bestudio, 20 taong gulang, isang engineering student, sa drainage canal sa Brgy.San Policarpo, Calbayog banda 10:30 ng umaga kahapon, Hunyo 14.

Sumunod namang nakita ang bangkay ng nobya nito na si Roan Jeallen Lamparas, isang secondary school teacher, sa madamong parte ng diversion road papuntang Brgy. Guinba-oyan Norte ng Calbayog.

Ayon sa ilang report, noong nakaraang Hunyo 13 ng gabi, nagwithdraw ng pera sa ATM si Lamparas para kanilang dinner kasama ang kanyang mga co-teachers at matapos ito ay sinundo si ng kanyang nobyo na si Bestudio.

Sa nasabing oras, huling nakitang magkasama ang dalawa.

Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga kapulisan sa nasabing insidente.

Patuloy ang panawagan ng hustiya ng mga kamag-anak ng mga biktimang pinaslang ng hindi pa matukoy na salarin.