-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Natagpuan na kahapon ang lalaking nalunod habang naliligo sa isang resort sa Barangay Lawigan, Bislig City. Nakilala ang biktima na si Nathaniel Balcita, 22-anyos na taga Trento, Agusan del Sur.
Napag-alamang naliligo ang biktima kasama sa kaniyang kasintahan na si Sandra Marie Ramiso, 22 anyos, na taga Malita, Davao Occidental noong Biernes, Enero 14. Ngunit natangay sa malalaking alon ang dalawa dahilan sa pagkalunod.
Naihaon ang babae noong araw na iyon na ni-revive at dinala sa ospital ngunit dineklarang dead-on-arrival habang pinaghahanap ang lalaki.
Kahapon ng umaga sa ginawang Retrieval operation sa Team Bislig Coast Guard, tuluyan nang narekober ang bangkay ng biktima.