-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Dead-on-the-spot ang magkasintahan matapos aksidenteng mabundol nang mag-overtake sa isang dump truck sa Brgy. Azpetia, Prosperidad, lalawigan ng Agusan del Sur.

Napag-alamang pumutok umano ang abanteng gulong ng motorsiklong sinakyan ng mga biktimang nakilalang sina Johncris Cuizon na taga-Bayugan City at Micah Joy Salado na taga-Esperanza, parehong sakop sa lalawigan ng Agusan del Sur, parehong nag-aaral sa Northeastern Mindanao State University (NEMSU)-Lianga Campus.

Base sa lumabas na dashcam footage mula sa isang netizen, nakita na nang mag-overtake ang naturang motorsiklo ay nahagip ito ng kaliwa at unahang gulong ng dump truck kung kaya’t nadaganan kaagad ang mga ito at hindi na tumilapon pa sanhi ng kanilang agarang kamatayan.