-- Advertisements --

Natagpuan na wala ng buhay ang katawan ng magkasintahang Australian National at kasama nitong Pinay sa loob ng isang hotel sa Tagaytay.

Kinilala ang mga biktima na sina alyas David, 57 , at alyas Lucita, 55 na pawang Australian National at ang pinay na si alyas Mary, 30 anyos na pinaniniwalaang pinatay.

Ayon sa Tagaytay Component City Police Station, batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, nakita ng mga hotel staff ang mga biktima na wala ng buhay at ang kanilang mga paa, kamay at bibig ay napupuluputan ng packaging tape.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Provincial Scene of the Crime Operatives para matukoy ang dahilan ng pagkamatay ng mga ito.

Nakikipag coordinate na rin ang mga awtoridad sa pamilya ng mga biktima.