NAGA CITY- Sugatan ang isang sundalo sa isa na namang engkwentrong naitala sa bayan ng General Nakar, Quezon.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, nabatid na tumagal ng halos limang minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng mga militar at mga miermbro ng mga rebeldeng grupo sa Brgy. Pagsangahan.
Tinamaan umano ang isang sundalo na sa ngayon ay nasa mabuti nang kalagayan.
Una rito nito lamang araw ng linggo, mahigit isang oras din ang naging bakbakan ng mga militar at NPA sa parehong baranagay.
Sa panayam kay Capt. Jeyrald Ternio, DPAO Chief, sinabi nitong nakubkob ng tropa ng pamahalaan ang pinaniniwalaang training camp ng mga rebelde.
Maliban dito, nadiskobre rin ang nasa 20 kubo at dalawang lecture hall na ginagamit sa pagsasanay sa mga bagong recruit nito.
Pinaniniwalaan namang marami ang nasugatan sa panig ng mga rebelde dahil mga bakas ng dugong naiwan sa encounter site kung saan ang mga ito pumuwesto.