-- Advertisements --

Inamin ni veteran guard Jeremy Lin na hirap daw itong makahanap ng lilipatang team matapos itong umalis sa NBA champions na Toronto Raptors.

Ayon kay Lin, hindi niya raw maiwasang malungkot at maisip na pinabayaan na raw siya ng liga.

“Every year it gets harder,” wika ni Lin. “There’s a saying, and it says once you hit rock bottom, the only way is up, but rock bottom just seems to keep getting more and more rock bottom for me.”

“So, free agency has been tough. Because I feel like, in some ways, the NBA has kind of given up on me,” dagdag nito.

Sakaling wala raw kumuha sa kanyang NBA team, ikokonsidera umano ni Lin na maglaro sa Asia, partikular sa hometown nitong Taiwan.

Ang kanyang kapatid na si Joseph ay naglalaro para sa Fubon Braves sa Super Basketball League.

Inihayag ni Lin na noon pa man ay pangarap na raw nitong makapaglaro sa isang koponan kasama ang kanyang kapatid.

Si Lin ang kauna-unahang Asian-American player na nagwagi ng NAB title matapos maglaro para sa Raptors noong nakalipas na season.

Matatandaang nagpalipat-lipat na noon si Lin sa ilang mga teams gaya ng Golden State Warriors, New York Knicks, Houston Rockets, Los Angeles Lakers, Charlotte Hornets, Brooklyn Nets, at Atlanta Hawks.