-- Advertisements --
Persida Acosta
PAO Chief Persida Acosta

LEGAZPI CITY – Nakiisa ang Public Attorneys Office (PAO) sa panawagan sa paglilinis ng kapaligiran upang makaiwas sa dengue kaysa gumamit umano ng dengue vaccine na Dengvaxia.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PAO chief Atty. Persida Acosta, dapat na ituon ang atensyon sa pagpatay sa mga lamok at hindi sa pagpatay sa mga tao na siyang ginagawa ng nasabing dengue vaccine.

Diretsahan din na sinagot ni Acosta na hindi pagpapasikat at paglikha ng takot ang ginagawang pakontra sa bakuna kundi trabaho lang na bahagi ng mandato.

Mas maigi na rin umanong maagang malaman kung dengue ang mga napapansing sintomas upang mabilis na madala sa doktor bago pa man maging seryoso ang kondisyon.

Sinang-ayunan pa ni Acosta ang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na papano magiging epektibo kung dati nang hindi umubra.

Pagbubunyag ng PAO chief na nasa higit 700 na umano ang sinasabing namatay dahil sa nasabing dengue vaccine batay sa datos ng kanilang sources.