-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang dalawa katao sa nasunog na topdown tricycle sa probinsya ng Cotabato.

Ang mga biktima ay mga residente ng Barangay Kabulacan Matalam Cotabato.

Ayon sa ulat ng Matalam PNP na sakay ng topdown na motorsiklo ang mga biktima na may kargang galon-galon na gasolina mula sa Barangay Del Carmen President Roxas Cotabato papauwi na ng kanilang tahanan.

Ngunit pagsapit nito sa kahabaan ng Salvacion Matalam Cotabato ay biglang nagliyab sa likurang bahagi ng topdown motorcycle.

Nataranta ang driver kaya bumangga ito sa puno ng kahoy sa gilid ng national highway.

Kasamang nasunog ang babae sa motorsiklo habang nakagapang palabas ang driver at naisugod sa pagamutan ngunit binawian rin umano ito ng buhay.

Nagpaalala ang mga otoridad na iwasan ang pagbebenta ng takal takal na gasolina para iwas disgrasya.