-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mg otoridad kaugnay sa natagpuang bangkay ng maglola sa isang damuhan malapit sa kanilang bahay sa Tacurong City.

Ayon sa Tacurong City PNP, kinilala ang mga biktima na sina Raiven Escolano 9 anyos at ang lola nito na si Rose Mary Datoon Escolano, 63 anyos at kapwa residente sa Purok San Jose Brgy. San Pablo Tacurong City.

Bago ito, nagtaka ang kamag-anak ng mga biktima na si Mary Ann Santos Tomas ng walang nadatnang tao sa loob ng bahay ng kanyang ina at may mga patak ng dugo dahilan upang tumungon ito Tacurong PNP upang i-report ang nangyari.

Agad naman sinuyod ng mga otoridad ang buong paligid at dito tumambad ang mga bangkay ng biktima na naliligo na sa sariling dugo at halos di na makilala dahil tadtad ng saksak ang kanilang katawan.

Samantala, isa sa mga tiningnang suspek sa nasabing krimen ay mismo anak ng matandang biktima kung saan kinilala ito kay Ernisto Datoon Escolano Jr. Alyas Junior, 30 anyos, dating nang nakulong dahil sa kasong robbery at residente rin ng nasabing lugar.

Ibinunyag ng kamag-anak ng suspek na lolong ini sa illegal na druga dahilan upang ito ang isa mga persons of interest sa krimen sa pagpatay sa ina at pamangkin.

Sa ngayon nagsagawa na ng manhunt operation ang Tacurong City PNP laban sa suspek.