CENTRAL MINDANAO – Pinalakas pa ang karapatan ng mga kababaihan sa bayan ng Datu Montawal, Maguindanao.
Ito ay pinangunahan ng unang ginang ng bayan na na si Bai Kristel Montawal.
Sinabi ni Mayor Datu Ohto Montawal sa bayan ng Datu Montawal ay pantay-pantay ang Karapatan ng mga babae, lalaki at mga LGBT.
Nagkaroon ng Orientation on Gender Sensitivity Cum RA 9710 also known as Magna Carta for Women na ginanap sa Municipal Covered Court ng bayan.
Ang mga kababaihan na dumalo ay binigyan ng bigas at ibang tulong na hangtud ng LGU-Datu Montawal.
Sa buwan ng mga kababaihan ay may mga programa na nakatuon rito at suportado naman ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.
Ang Republic Act 9710 o kilala din sa tawag na Magna Carta of Women ay isang batas para sa proteksyon ng karapatan pantao ng mga kababaihang Pilipino at naglalayon na tanggalin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon, lalo na sa mga kababaihan na marginalized o mga babae na bahagi ng mga sektor na hindi nabibigyan ng wastong representasyon sa lipunan.
Ito ay naisabatas noong ika-14 ng A noong 2009 matapos ito pirmahan ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.