Binigyang-diin ni Senate Committee on Migrant Workers Chairman Senador Raffy Tulfo na panahon para maisabatas ang Magna Carta of Filipino Seafarers.
Ito ay sa gitna aniya nang nararanasang karahasan ng mga Filipino seafarer tulad ng apat na kababayan nating marino na lulan ng Portuguese vessel na hinarang ng Iranian forces.
Ayon kay Tulfo ang panukalang ito ay magbibigay ng karagdagang proteksyon sa mga marinong Pinoy, tulad ng karapatan sa ligtas na paglalayag sa mga high-risk areas, agarang tulong sa panahon ng trahedya dulot ng terorismo at karapatan ng kanilang pamilya na mabigyan ng wasto at napapanahong impormasyon tungkol sa kanilang estado, lalo na pag sila’y nalalagay sa alanganing sitwasyon.
Sa kabilang banda, patuloy na nakikipag-ugnayan ang mambabatas sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) upang matiyam na makauuwi nang ligtas sa Pilipinas ang apat na Pilipinong tripulante na lulan ng barkong MSC Aries na hinarang ng Iranian forces sa Strait ng
Hormuz noong Abril 13.
Kinumpirma ng DFA na nasa ligtas at maayos ng kalagayan Ang mga ito.
Ayon sa DFA, tiniyam ni Iranian Ambassador to the Philippines H.E. Yousef Esmaeil Zadeh na tuluyan nang makalalaya at makababalik sa bansa sa lalong madaling panahon ang apat na marino na naipit sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Iran at Israel.
Sa kasalukuyan ay patuloy ang koordinasyon ng DFA at DMW sa pamilya ng mga marino at sa manning agency ng mga ito.