-- Advertisements --
image 20

Aprubado sa ikalawang pagbasa ang House Bill No. 7325 o ang Act Instituting the Magna Carta of Filipino Seafarers.

Layunin ng panukanag batas na mabigyang tuon ang karapatan ng mga seafarers, ang kanilang kontribusyon at gampanin sa economic development ng bansa.

Ang Magna Carta para sa Seafarers ay nangangailangan ng maritime higher education institutions upang makapagbigay ng training a mga cadets o kaya naman ay mga agreement sa iba’t ibang ahensya kahit international pa.

Bilang pagsunod rin sa Standard, Training, Certification and Watchkeeping (STCW), ang probinsyon na ito ay naglalayong mapataas pa an competencies ng mga seafarers.

Hinihikayat din nito ang partisipasyon ng kababaehan sa maritime profession at ang kontribusyon sa pagpapalago ng developmemts sa bansa.

“Any plan to boost our maritime industry must factor in the promotion of the welfare of our seafarers – the pillar and heart of the maritime industry. Thus, the approval of the Magna Carta for Seafarers on second reading is a welcome development. We thank Chairperson Salo, all the authors, and the maritime industry stakeholders for working together to push for this important measure”, sinabi ni Rep. Marissa “Del Mar” Magsino.

Ayon kay OFW Party List Representative Marissa “Del Mar” Magsino na siyang principal author ng nasabing panukalang batas, kailangan ng mga seafarers ng pinakamagandang terms of employement at proteksyon sa kanilang karapatan bilang nagtatrabaho sa gitna ng karagatan.