CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang lalaki matapos manlaban sa mga otoridad sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang napatay na si Salvador Orencia Viloria Jr. alyas Balong, 24-anyos, binata at residente ng Barangay Salunayan, Midsayap, Cotabato.
Isang pulis rin ang sugatan nang makipagpalitan ng putok laban sa suspek.
Ayon sa ulat nang Midsayap PNP nagnakaw umano ng baril ang suspek sa isang kasapi ng PNP kaya nagsagawa sila ng hot pursuit operat ion katuwang ang 34th Infantry Battalion Philippine Army.
Pagdat ing ng mga sundalo at pulis sa tahanan ng suspek ay nanlaban ito.
Gumanti ang mga pulis at militar ng putok kaya nasawi ang suspek.
Nagkabutas-butas ang bahay ng suspek at wasak rin ang ulo nito sa matinding palitan ng bala sa magkabilang panig.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Midsayap PNP sa naturang pangyayari.