CENTRAL MIUNDANAO-Patay ang isang magnanakaw ng motorsiklo nang manlaban sa mga pulis sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang suspek na si Mak-Mak Gonzales na residente ng Barangay Gokotan Pikit Cotabato.
Ayon kay Midsayap Chief of Police Lieutenant Colonel Rolly Oranza,si alyas Mak-mak ang tumangay sa Raider 150 na motorsiklo na pagmamay-ari ni Juvy Obejero na taga Kapatagan, Lanao del Sur.
Sinabi ni Oranza na huminto sa isang kapehan sa Barangay Poblacion 8 Midsayap Cotabato si Juvy at ang live-in partner nitong si Geraldine.
Pero nang palabas na sa kapehan ang magkasintahan ay nakita nito ang suspek na kinukuha ang motor.
Nakipag-agawan pa ang biktima dahilan para barilin ito ng suspek at tinamaan sa dibdib.
Agad namang tumakas ang suspek pero di kalayuan ay narekober ng mga pulis ang ninakaw nitong motor.
Sa tulong ng mga BPAT at tauhan ng Aleosan PNP, namataan ang suspek na nagtatago sa Purok Rosas Barangay Tomado sa bayan ng Aleosan imbes na sumuko ay nakipagbarilan sa mga otoridad kaya itoy nasawi.
Narekober ng mga pulis sa suspek ang isang kalibre.45 na pistola, magasin at mga bala.
Ligtas na rin ang biktima habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Midsayap MPS at inaalam kung sangkot ang suspek sa isang sindikato.