ILOILO CITY – Patay ang isang magnanakaw matapos binaril ng may-ari ng may bahay na tinangka nitong nakawan sa Brgy. Alapasco, Batad, Iloilo.
Ang binaril ay si Juv Bigare, 20, residente ng nasabing barangay at may mga rekord na ng pagnanakaw.
Ang nakabaril naman at may-ari ng bahay ay si Marlo Chavez.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Staff Sgt. Francis John Aricaya, imbestigador ng Batad Municipal Police Station, sinabi nito na narinig ni Chavez na sinisira ni Bigare ang pintuan ng kanilang bahay.
Ayon kay Aricaya, nang binuksan ni Chavez ang pintuan, nakita nito si Bigare at kaagad niya itong binaril sa dibdib.
Dead on arrival naman si Bigare ng dinala sa ospital.
Sumuko naman si Chavez sa mga otoridad dala ang kanyang homemade shotgun.
Sa ngayon pinag-aaralan pa ng pamilya ng magnanakaw kung magsasampa sila ng kaso.