-- Advertisements --
DAVAO CITY – Wala umanong aasahan na aftershocks at pinsala matapos na maramdaman ang magnitude 4.0 na lindol sa ilang bahagi ng Sarangani, Davao Occidental kagabi.
Ayon sa Philippine Volcanology ang Seismology (Phivolcs), sentro sa nasabing pagyanig ang 77 kilometro sa kanluran na bahagi ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental.
May lalim itong 502 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Pinaalalahanan na lamang ngayon ng Phivolcs ang publiko na manatiling alerto.