-- Advertisements --

Naitala ang bahagyang pagyanig sa ilang bahagi ng Quezon province nang mairehistro ang 4.0 magnitude na lindol kaninang dakong alas-12:38 ng hapon.

Sa inilabas na pahayag ng Phivolcs natukoy ang sentro ng lindol sa Alabat, Quezon province na may isang kilometro ang lalim.

Narito pa ang reporterd intensities:
Intensity IV – Alabat, Quezon
Intensity II – Guinayangan, Quezon
Intensity I – Gumaca, Quezon